Dalawang lugar sa Parañaque City ang pinuntahan ng Kadiwa on Wheels, bitbit ang mga low land at highland na prutas at mga gulay, ang Fourth Estate at PHIMRA sa Brgy. Moonwalk.
Ayon Kay Paz Lagadeo ng CADA farm, nagpapasalamat sila sa lokal na pamahalaan, Department of Agriculture at kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil naibebenta nila ang kanilang mga pananim at hindi nabubulok.
Sa ngayon dahil sa dami ng supply ng mga prutas at gulay bumaba ang mga presyo nito.
Tulad ng kamatis na 15-20 pesos ang kada kilo, talong na 50 pesos mula sa 80 pesos ang kada kilo, cauliflower, broccoli, ampalaya at marami pang iba. | ulat ni Don King Zarate