Dalawang namemeke ng lisensya ng baril, arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng mga tauhan ng Civil Security Group (CSG) ang dalawang suspek na namemeke ng lisensya ng baril.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, iprinisinta ni CSG Director PBGen. Benjamin Silo Jr. ang mga suspek na kinilalang sina: Vicky Genabe, 38; at Isidro Pagaduan, 37.

Nahuli ang dalawa nitong April 11, 2023 sa Sta. Cruz, Maynila sa operasyong inilunsad base sa intelligence report na natanggap ng CSG tungkol sa iligal na aktibidad ng mga suspek.

Sinisingil umano ng mga suspek ang kanilang mga kliyente ng 1,500 piso kada lisensya, na maari nilang makuha sa loob lang ng dalawang oras.

Nakuha mula sa mga suspek ang 1 computer set kasama ang printer, 3 pekeng ID at PVC cutter na umano’y ginagamit sa paggawa ng pekeng lisensya ng baril.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o Falsification by Private Individual and use of Falsified Document. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us