Dating DFA Sec. Del Rosario, naging hands-on sa repatriation ng OFWs — Ople

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni Migrant Workers Secretary Susan Ople si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario bilang isa sa mga role model sa pagsisiguro ng kapakanan at karapatan ng OFWs.

Ayon kay Ople, kung tutuusin ay maaari lamang i-monitor ni Del Rosario sa kanyang opisina ang mass evacuation ng OFWs mula sa Libya patungong Tunisia.

Ngunit mas pinili aniya ng dating kalihim na manatili sa Tunisian border upang maramdaman ng bawat distressed OFW na ligtas at inaalagaan sila sa kabila ng banta sa buhay.

Bukod sa Libya, bumisita rin si Del Rosario sa Syria, Yemen, Iraq at Egypt na nagresulta sa repatriation ng mahigit 24,000 Pilipino.

Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ay natulungan ng DFA ang nasa 80,000 OFWs mula 2011 hanggang 2015.

Inalala pa ni Ople na bilang civil society leader ay laging nakikinig si Del Rosario sa hinaing ng non-profit organizations at OFW groups. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us