Inihahanda na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P43 billion para pondohan ang mga Priority Agricultural Project ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ipinahayag ng DBM, na manggagaling ang naturang pondo sa 2023 General Appropriations Act, at ito ay para mapatatag ang food security ng bansa.
Sa naturang halaga, P30.3 billion ang inilaan para sa National Rice Program at P5 billion naman sa National Corn Program.
May inilaan na P4.5 billion sa National Livestock Program, at P1.8 billion para sa National High Value Crops Program.
Umaabot naman sa P900 million ang pondo para sa dromotion and Development ng Organic Agriculture Program, at P318.5 million ang nakalaan para sa national program at Peri-Urban Agriculture Program.
Umaasa ang DBM, na matutulungan nito ang mga magsasaka na mapaganda ang kanilang ani upang matiyak na may sapat na pagkain ang bansa. | ulat ni Michael Rogas