Delegasyon ng US Army War College, bumisita sa Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia ang pagbisita ng delegasyon ng US Army War College sa Philippine Navy Headquarters kahapon, April 24.

Ang delegasyon ay pinangunahan ni US Army Col. James Frick, Director at Assistant Professor of Second Year Studies ng US Army War College.

Tinalakay sa pagpupulong ng dalawang opisyal ang kasalukuyang isinasagawang Balikatan 38 – 2023 military exercise, na pinakamalaking sabayang pagsasanay ng dalawang bansa sa kasaysayan.

Sinabi ni Col. Frick na inaasahan niya ang mas madalas pang pagbisita sa Pilipinas sa pagpapalawak ng kolaborasyon ng dalawang bansa.

Tiniyak naman ni VAdm. Valencia na umaasa ang Philippine Navy sa mas matatag na ugnayan sa Estados Unidos. | ulat ni Leo Sarne

?: S1PH Richard I Deguilo PN / NPAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us