Sumampa na sa 105,454 litro ng oil contaminated materials ang nakolekta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga munisipalidad na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Batay sa pinakahuling situational report ng DENR, as of March 30, karamihan ng mga oil waste ay nakuha sa Calapan City, Naujan, at sa Pola.
Bukod rito, aabot na rin sa 3,100 na litro ng oil waste ang nakolekta mula sa Caluya sa Antique habang nasa 246 litro naman sa Verde Island sa Batangas.
Tuloy-tuloy naman ang assistance ng DENR para mapigilan ang pagkalat ng tumagas na langis.
Nakipag-partner na rin ito sa pribadong sektor para sa deployment ng shredder at decorticator machines na ginagamit para mapabilis ang produksyon ng coconut fibers para sa spill booms. | ulat ni Merry Ann Bastasa