Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nag-uusap ang Department of Education at World Food Programme upang palawakin ang School Meals Program para sa mga kabataang mag-aaral.
Bumisita ang mga opisyal ng WFP sa tanggapan ni VP Sara sa DepEd sa pangunguna ni Programme and Policy Development Deputy Executive Director Valerie Guarnieri.
Sinabi ng pangalawang pangulo na kinikilala nila ang WFP bilang pinakamahalagang katuwang ng DepEd sa pagsusulong ng agenda ukol sa food security at nutrisyon ng mga kabataan.
Ginampanan aniya ng School Meals Program ng WFP ang mahalagang papel sa pagsisikap ng DepEd na maghatid ng masustansyang pagkain sa mga bata sa kanayunan at malalayong lugar.
Nagpasalamat din si VP Sara sa WFP dahil sa pagtataguyod nito ng usaping pangkapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. | ulat ni Hajji Kaamiño
: OVP