Desisyon ng Korte Suprema sa SIM Registration Law, malaking tulong sa paghihikayat na iparehistro ng publiko ang kanilang SIM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe na ang desisyon ng Korte Suprema sa SIM Registration law ay malaking tulong sa pagpapatuloy ng pagpaparehistro.

Ayon kay Poe, pinagtitibay lang ng naturang desisyon ang pangangailangan na magpa-register ang lahat ng mga subscriber para na rin sa ligtas na mobile use.

Kasabay nito, hinikayat ng senador ang concerned agencies at telecommunications companies na kumilos ng mabilis para makapagparehistro na ang publiko ng kanilang mga SIM.

Dapat aniyang tugunan ang mga concern ng publiko gaya na lang ng kakulangan ng government ID ng ilan nating kababayan na hadlang sa kanilang pagpaparehistro. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us