DFA, nakapagtala ng isang Pilipinong sugatan sa nangyayaring tensyon sa Sudan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang naitalang sugatan sa nangyayaring tensyon sa bansang sudan.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo Jose de Vega, na nasa maayos nang kondisyon ang naturang OFW at kasalukuyang nagpapagaling na.

Kaugnay nito, nasa 87 request na ang natatanggap ng DFA para sa repatriation ng OFWs sa naturang bansa.

Samantala, nasa mahigit 400 ang naitalang bilang ng mga OFW ang nasa naturang bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us