Muling magsasagawa ng pulong ngayong araw ang mga opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kasama ang mga kinatawan mula sa public telecommunication entities (PTEs) para pagpasyahan kung palalawigin pa o hindi na ang sim card registration.
Kung hindi ie-extend ay hanggang sa miyerkules nalang o sa April 26 ang deadline para sa sim registration.
Ayon sa DICT, inisyal nang natalakay ang usaping ito sa kanilang pulong kahapon kabilang ang ilan pang concerns sa implementasyon ng SIM Registration Act.
Isa na rito ang pagresolba sa isyu ng hinihinging government-issued ID sa SIM registration process kung saan nilinaw na tanging isa lang mula sa 17 tinatanggap na government-issued IDs ang kailangan para makapagparehistro.
Inaasahan namang iaanunsyo rin ngayong araw ang desisyon sa sim registration period.
Sa pinakahuling tala ng NTC, as of April 23 ay aabot na sa 82.8 milyong SIM card ang nairehistro na o katumbas ng halos 50% na ng kabuuang 168 milyong telco subscribers sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa