“Digital person na lang ang nagpapalakas sa CPP” — AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang “digital person” na si Marco Vabuena na lang ang natitira sa pamunuan ng Communist Party of the Philippines, na nagmamando sa teroristang organisasyon.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, kasabay ng pagsabi na si “Marco Valbuena” ay isang “fictitious person” na nagkakalat ng kasinungalingan para panatilihing buo ang kilusang komunista.

Ayon kay Aguilar, malinaw na may malaking problema ang CPP sa sunod-sunod na pagkalagas ng kanilang liderato.

Bukod aniya sa pagkamatay ng mag-asawang Tiamzon noong Agosto, at ang pagka-aresto sa Malaysia ng isa pang Central Committee member kamakailan, ang pinakamalaking dagok sa kilusang komunista ay ang pagkawala ng kanilang “ideological leader” sa pagpanaw ni CPP founding Chair Jose Maria Sison noong Disyembre.

Dahil aniya “leaderless” na ang CPP ay wala na itong direksyon at wala nang dahilan para magpatuloy. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us