Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge, Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa Malaysia sa pagbibigay ng impormasyon na nakatulong sa pag-repatriate ng mga Pilipino mula sa Sudan.
Ang pasasalamat ay ipinaabot ng kalihim sa bagong Ambassador of Malaysia to the Philippines, H.E. Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino bin Anthony, nang mag-courtesy call ang Embahador sa DND nitong Martes.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, napagkasunduan na magtutulungan ang Pilipinas at Malaysia sa pag-monitor ng mga kaganapan sa Sudan para sa kaligtasan ng kanilang mga apektadong mamayan.
Pinuri naman ni Galvez ang matibay na samahan ng Pilipinas at Malaysia na mas lalong napapatatag kasunod ng State Visit ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa bansa noong March 2023.
Nagpasalamat din si Galvez sa Malaysia sa kanilang tuloy-tuloy na suporta sa Mindanao peace process.
Tiniyak naman ni Ambassador Castelino ang commitment ng Malaysia sa pagtatatag ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Southern Philippines. | ulat ni Leo Sarne
?: DND