Pinangunahan nina DOH OIC Maria Rosario Vergeire at DOH Center for Health Development Calabarzon Regional Dir. Ariel Valencia ang isinagawang Malaria-Free Regional Celebration kasabay ang pagbibigay ng parangal sa mga LGU, mga ospital at pribadong sektor na naging instrumento para makamit ang malaria-free status sa rehiyon ng CALABARZON.
Kasama sa ginawaran ng parangal ang Rizal Province matapos makamit ang malaria-free status noong 2022.
Nakatanggap rin ang LGU ng ₱ milion cash incentive para mapanatiling ligtas sa malaria ang mga residente.
Pinarangalan din ang Rizal, Laguna at Quezon sa kanilang mga established malaria elimination hub.
Ayon kay DOH CALABARZON Dir. Ariel Valencia, tuloy-tuloy ang kanilang pagsisikap para hindi na magkaroon ng kaso ng malaria sa rehiyon.
Ilan lang sa mga hakbang na ipinatupad sa rehiyon ang 1-3-5 malaria surveillance strategy, na nagtitiyak ng mabilis na aksyon sa isang kumpirmadong kaso ng malaria, ang Online Malaria Information System (OLMIS) at malaria diagnostic services.
Sa kaniya namang mensahe, tinukoy ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na malaki na ang ibinaba ng kaso ng malaria sa bansa na nasa higit 3,000 kaso at wala na ring naitalang namatay noong 2022.
Binigyang diin naman nito ang pagpapaigting sa long-term strategic plan at mga programa sa health education para mas mapalawak ang mga lalawigang ligtas sa mga sakit gaya ng malaria.
Sa ilalim ng national strategy ng DOH, tinatarget na maabot ang elimination status sa taong 2027 at tuluyang maideklara ang lahat ng lalawigan sa bansa na malaria-free pagtuntong ng 2030. | ulat ni Merry Ann Bastasa