Ngayong panahon ng tag-init isa sa usong sakit ay sore eyes.
Ayon kay Department of Health OIC Ma. Rosario Vergeire, maraming pwedeng maging dahilan ng sore eyes gaya ng may nakapasok na allergen, bacteria, o iba pang pwedeng makapagpairita sa mata.
Paalala ni Vergeire, hindi dapat basta maglagay ng eye drops dahil pwede itong makaapekto sa mata.
Kung mapula ang mata at nagmumuta gumamit ng malinis na tela at iwasang ihawak sa isang mata na hindi apektado bagay na ginamit sa pagpunas sa may sore eyes.
Pero kung magkaroon aniya ng allergy o lumala ang sitwasyon ay magpatingin na sa doktor.
Karaniwang sintomas ng sore eyes ay pamumula at pangangati ng mata. | ulat ni Lorenz Tanjoco