DOLE, may paalala sa mga employers ngayong holiday

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa mga private sector na magbayad ng doble sa kanilang mga empleyado na papasok ngayong araw, April 21, isang regular holiday– sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr (Feast of Ramadan).

Paalala ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa mga employer na gabayan kung paano mabayaran ang kanilang mga manggagawa na may karapatan sa 200 porsyento na sweldo kung sila ay papasok para sa trabaho.

Kapag pumasok naman sa trabaho sa araw ng pahinga o rest day, ang mga employer ay dapat magbayad ng karagdagang 30 percent ng basic wage ng 200 percent.

Para sa trabahong ginawa ng higit sa walong oras sa panahon ng regular holiday na pumapatak din sa araw ng pahinga ng manggagawa, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng oras-oras na rate sa naturang araw.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 201 na nagdedeklara sa April 21 bilang isang regular holiday sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us