DOT, DBM, nagpulong hinggil sa pagpapalakas ng Tourism Transformation ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si Tourism Secretary Christina Frasco kay DBM Secretary Amenah Pangandaman para pag-usapan ang pagpapalakas ng Tourism Transformation ng Pilipinas.

Sa naturang pagpupulong, isa sa napag-usapan ng dalawang kalihim ang pagpopondo sa Tourism Road Infrastructure Program ng DOT para sa pagbibigay ng tourism infrustructure sa iba’t ibang tourism sites sa bansa.

Ayon kay Secretary Frasco na unti-unti nang nanumbalik ang tourism sector ng Pilipinas at kinakailangan ng mga karagdagang pondo upang maibigay ang mga kinakailangang serbisyo pa ng DOT para mas ma-accommodate ang pagdagsa ng local at foreign tourists sa bansa.

Ayon naman kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, susuportahan ito ng DBM dahil isa ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R .Marcos Jr. na ibangon muli ang tourism sector ng Bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

?: DOT

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us