DOT, namahagi ng certificate of training grants sa mga community tourism organization sa Puerto Galera

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng Certificate of Training Grants ang Department of Tourism (DOT) sa mga tourism workers ng Puerto Galera sa Mindoro na naapektuhan ng oil spill sa naturang lalawigan.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, layon ng pagbibigay ng training grant ay upang magkaroon ng alternatibong kasanayan ang mga tourism workers na naapektuhan ng oil spill sa Mindoro para sa farm tourism.

Dagdag pa ni Frasco na bukod sa Puerto Galera ay mabibigyan din ang iba pang bayan sa Mindoro mula sa Pinamalayan, Naujan, Gloria, Pola, Bulalacao, Malansay, at Calapan City.

Samantala, nakatakdang mag-alok ng dalawang milyong piso na tulong pinansyal sa mga nasabing bayan para sa kani-kanilang tourism infrastructure project ang DOT mula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA). | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us