DOTr, prayoridad ang integration ng transport projects

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng Department of Transportation ang pag-integrate ng ecotourism sa disenyo ng transport infrastructure projects sa bansa.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, sinusuportahan ng sustained mobility partikular ang environment-friendly infrastructure ang pagbawi ng industriya ng turismo habang pinangangalagaan ang kalikasan.

Prayoridad aniya ng DOTr ang non-disruptive programs na mapakikinabangan ng transport stakeholders at kalikasan.

Sa ginanap na Foundation for Economic Freedom Fellows Meeting, ipinresenta ni Bautista ang itinatayong big-ticket infrastructure at transport initiatives sa road, aviation, maritime at railways sectors.

Hinimok naman ng kalihim ang partisipasyon ng transport stakeholders sa kolaborasyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor upang makamit ang maginhawa, accessible, sustainable at abot-kayang biyahe ng publiko.

Kailangan umanong suportahan ng mga pasahero ang pagkumpleto sa big-ticket infrastructure sa mass transport lalo na ang mga nagsusulong ng balanse sa eco-system. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us