DSWD Sec. Gatchalian, nakipagpulong sa BSP para sa digitalisasyon ng mga transaksyon sa ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Regional Operations and Advocacy Sector
Deputy Governor Bernadette
Romulo-Puyat hinggil sa usapin ng digitalisasyon sa cash transactions sa ahensya.

Kabilang rito ang posibilidad ng contactless na distribusyon ng financial assistance ng ahensya gaya nalang ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ayon kay DSWD Sec. Gatchalian, ang digitalisasyon sa sistema at proseso sa ayensya ang isa sa mga prayoridad na itinutulak nito sa ahensya.

Bahagi rin aniya ito ng plano niyang pagpapatupad ng konsepto ng ease of doing social welfare. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us