DTI, Malaysian Chamber of Commerce lumagda ng isang MOU para sa pagpasok ng pamumuhan sa naturang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng isang Memorandum of Understanding ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Malaysian International Chamber of Commerce and Industry para sa pagpasok ng mga pamumuhunan sa naturang bansa.

Personal na nilagdaan ni Trade Secretary Alfredo Pascual at ni MICCI President Christina Tee ang MOU kasama si Philippine Ambassador to the Malaysia Charles Jose ang naturang MOU.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, layon ng naturang MOU na magkaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan ang Pilipinas at Malaysia.

Ayon naman kay MICCI President Christina Tee, nais nitong mas mapalalim pa ang business relations ng Pilipinas at Malaysia pagdating sa sektor ng investment. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us