Suportado ng Department of Trade and Industry o DTI ang pagpapalawig ng SIM card registration sa darating na April 26..
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, maari kasing magamit ang mga SIM card sa pagbabayad sa mga online digital payment platforms gaya ng PAYMAYA at GCASH na kasalukuyang ginagamit ng subscribers.
Dagdag pa ni Pascual, maari kasi na ma-hack ang mga digital accounts ng mga subscribers kapag hindi naparehistro ang mga ito. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio