E-Booking System, inilunsad ng PNP sa Pasig City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinasa ng Philippine National Police ang pilot testing ng Digital Booking o e-Booking System sa lungsod ng Pasig kaninang hapon.

Personal na sinaksihan ni PNP Director for Investigation and Detective Management Police Major General Eliseo Cruz ang demonstrasyon ng e-Booking sa Pasig City Police Headquarters.

Unang susubukan ang sistema sa mga istasyon ng pulisya sa Pasig at Taguig City na may layuning palakasin ang digital investigation at i-angat ang crime solutions efficiency.

Sa pamamagitan nito, mabilis na makokolekta ang biometric fingerprints ng mga nahuhuling suspek o law offenders na direkta sa database kaya malalaman agad kung may “hit” ito.

Full package na ang database ng mga arestado mula sa basic information, identity, criminal offense hanggang sa mugshots lalo’t integrated na ito at accessible ang sistema.

Kumpiyansa rin ang PNP na makatutulong ang sistema sa pagresolba ng mga krimen dahil magagamit ito sa Police Clearance para sa verification purposes. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us