E-Travel Policy, pinarerebyu ni Atty. Laron Gadon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaapela si Atty. Larry Gadon sa Department of Health at Bureau of Immigration na rebyuhin nito ang Electronic Travel Policy na ipinatutupad sa mga biyahero na lalabas at papasok ng bansa.

Base sa karanasan ni Gadon, masyado umanong mahigpit ang E-Travel Policy ng DOH at BI dahil hindi naman nito nahaharang ang mga biyahero na maaaring suspected ng virus.

Karamihan daw sa mga bansa ay hindi na naghahanap ng mga medical record at vaccination card.

Mungkahi ni Gadon, dapat ay isang beses lamang mag-register sa e-travel ang sinumang biyahero upang hindi na maging dagdag pasakit.

Ang e-travel ay kapalit ng mga card na kailangan sagutin sa airport bago payagan makabiyahe ang isang pasahero.

Sa mga lalabas ng bansa, kailangan tatlong oras bago ang nakatakdang biyahe habang 72 hours naman para sa mga papasok ng Pilipinas. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us