Bumuo ng “El Niño Team” ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) para tutukan ang tagtuyo na inaasahang makaka-apekto sa bansa sa huling bahagi ng 2023 hanggang sa unang bahagi ng 2024.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Raffy Alejandro, alinsunod ito sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng “Whole of Government Approach” sa pagtugon sa “climate phenomenon.”
Pinangunahan ni NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang Inter-Agency meeting kahapon sa Camp Aguinaldo kung saan tinukoy ang mga ahensyang magiging miymebro ng “El Niño team.”
Ang Team ay pangungunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG); at mga miyembro naman ang: Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Energy (DOE), Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST), Office of Civil Defense (OCD), National Economic and Development Authority (NEDA), National Irrigation Administration (NIA), at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Tatayo naman bilang support team ang Presidential Communications Office (PCO), Department of Trade and Industry (DTI), National Water Resources Board (NWRB), at Armed Forces of the Philippines (AFP). | ulat ni Leo Sarne
?: OCD