Para sa RCEP at rekomendasyon para sa Social Protection Floor, na kapwa magpapagaan pa ng buhay ng mga Pilipino, inaprubahan ng NEDA Board.
Inaprubahan ng NEDA Board, ang dalawang landmark measure ng pamahalaan na magpapabilis sa effort ng administrasyon na makamtan ang malalim na economic at social change, na siyang magpapayabong at magpapatatag sa Pilipinas.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, sa ikalimang NEDA Board, inaprubahan ang paglalabas ng executive order para sa implementasyon na ng commitment ng Pilipinas sa ilalim ng Regional Comprehensive Economic Cooperation (RCEP).
Ang RCEP ay isang kasunduan sa pagitan ng ASEAN countries at mga kabalikat nito para sa isang mas malayang kalakalan, kung saan mababa o walang binabayarang taripa para sa pag-export ng mga produkto.
Magiging epektibo ang ilalabas na EO sa June 2.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na inaprubahan rin ang rekomendasyon para sa Social Protection Floor (SPF).
Layon naman nitong paigtingin ang mga kasalukuyang government initiatives na tumutugon sa pangangailangan ng mga pinaka-vulnerable na Pilipino.
Halimbawa dito ang mga programa para sa kalusugan, para sa mga kabataan, sa senior citizens, at maging sa active age.
“Under SPF, we aim to increase the number of feeding days to 219 in the medium-term, and to 365 days at the end of this administration’s term. We will also ensure to provide ready-to-eat and high nutritious food to children during calamities. Third, addressing teenage pregnancy; fourth, program for children in need of special protection; fifth, providing for healthcare and mental health support, and many other services.” —Secretary Balisacan.
Kabilang dito ang mga programang magpapalakas sa Universal Health Care (UHC) act, pagtitiyak ng access ng mga kabataan sa edukasyon, social protection, at masusustansyang pagkain.
Programang tutugon sa teenage pregnancy, emergency employment para sa active age, discounts at lifelong learning para sa senior citizen, at iba pa.
“This SPF includes provisions for emergency employment; enrolment of all beneficiaries of livelihood programs and social security programs; enhancement of existing unemployment insurance, social insurance coverage for job order and contract of service employees in the public sector; promotion of savings mobilization; employee compensation benefits; and programs for Overseas Filipino Workers or OFWs.” —Secretary Balisacan. | ulat ni Racquel Bayan