Expanded Number Coding Scheme sa Metro Manila, suspenido sa April 21

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme ngayong darating na Biyernes, Abril 21.

Ayon sa MMDA, ito’y kasunod ng inilabas na Proclamation 201 ng Palasyo ng Malacanan na nagdedeklara sa nasabing araw bilang regular holiday kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan ng mga kapatid na Muslim.

Dahil dito, pinapayuhan ng MMDA ang mga magsisipag-long weekend na planuhing maigi ang kanilang mga biyahe at ugaliing bisitahin ang kanilang social media pages para sa mga karagdagag anunsyo

Ang Expanded Number Coding Scheme sa Metro Manila ay ipinatutupad mula Lunes hanggang Biyernes, alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at masusundan naman ito mula ala-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Muling magbabalik ang pagpapatupad ng number coding scheme sa Lunes ng susunod na linggo, Abril 24. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us