Expanded number coding scheme, suspendido sa Mayo 1

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding scheme sa darating na Lunes ng susunod na linggo, Mayo 1.

Ito ang ipinabatid ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang pagbibigay daan sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day.

Dahil dito, pinapayuhan ng MMDA ang mga magsisipag-long weekend na planuhing maigi ang kanilang mga biyahe at ugaliing bisitahin ang kanilang social media pages para sa mga karagdagag anunsiyo.

Ang Expanded Number Coding Scheme sa Metro Manila ay ipinatutupad mula Lunes hanggang Biyernes, alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at masusundan naman ito mula ala-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Muling magbabalik ang pagpapatupad ng number coding scheme sa Martes, Mayo 2. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us