Mananatili pa ang fishing ban sa mga munisipalidad na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), batay sa oil at grease analysis sa water samples na kinuha noong Abril 10, nananatili ang contaminant level sa mga karagatang apektado ng pagtagas ng langis.
Lumilitaw rin sa fish samples na kinuha noong Abril 3, na nananatili ang mababang antas ng mga contaminant o polycyclic aromatic hydrocarbons (PAH) na mula sa apektadong karagatan.
Ang PAH ay nakakapinsala sa mga tao at iba pang living organism.
Ang water at fish sample ay kinolekta mula sa mga munisipalidad ng Bongabong at San Juan.
Gayunman, pababa na umano ang naitatalang PAH.
Tiniyak din ng BFAR, na patuloy nilang pinag-aaralan at binabantayan ang lugar upang makagawa ng mga resulta sa epekto ng oil spill kaugnay ng food safety. | ulat ni Rey Ferrer