Flight arrivals sa mga paliparan, nananatiling ‘on-time’ – MIAA

Facebook
Twitter
LinkedIn

‘On time’ na dumarating sa apat na mga paliparan sa NAIA ang mga flight kaya’t walang nakikitang pag- iipon ng mga tao.

Ito ang sinabi sa Laging Handa Public briefing ni MIAA Sr. Assistant General Manager Brian Co sa kabila ng pagdami ng mga pasahero simula pa noong nakaraang Biyernes.

Ayon Kay Co, “so far, so good” ang sitwasyon at ito’y dahil na din sa maayos na koordinasyon sa mga airline company, ground handlers at pati na sa iba’t ibang government agencies gaya ng Bureau of Immigration at Office for Transport Security.

At sa dami naman ng mga pasahero na inaasahan, sinabi ni Co na mula nitong nakaraang Sabado hanggang sa Lunes ay nasa 1.2 milyong mga pasahero ang kanilang projection na gagamit sa apat na NAIA Terminal.

Sampung porsiyento ang inaasahan nilang dagdag sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong araw Hanggang bukas na aniya’y pinaka-peak ng paalis na mga pasahero habang sa darating na Linggo at Lunes Ang inaasahan nilang dagsa ng pagbalik ng bakasyunista. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us