Garment industry ng Pilipinas, inaasahang mabubuhay sa ilalim ng ganap na paggulong ng RCEP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang Economic Team ng Pilipinas na sisigla at mabubuhay ang iba’t ibang industriya ng bansa, sa oras na maging ganap na ang paggulong ng Regional Comprehensive Economic Cooperation (RCEP) sa bansa.

Pahayag ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, kasunod ng pag-aruba ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board para sa paglalabas ng executive order nang implementasyon ng commitment ng Pilipinas sa ilalim ng RCEP.

Ang RCEP ay isang kasunduan sa pagitan ng ASEAN countries at mga kabalikat nito para sa isang mas malayang kalakalan, kung saan mababa o walang binabayarang taripa para sa pag-export ng mga produkto.

Ayon sa kalihim, sa ilalim ng RCEP, ang mga industriya halimbawa ang garment industry ay mas madali nang makapag-angkat ng kanilang raw materials.

Dahil dito, umaasa ang kalihim na muling yayabong ang industriyang ito ng bansa.

“Now, maybe the industries are not yet there, but for example the garments industry, hopefully, we can revive it, you know with RCEP. Because under RCEP, our garment makers, maybe able to import the textile that they need to make the garments, and the determination of rules of origin will no longer be limited to the local content coming from the Philippines, but from all RCEP countries.” — Secretary Bautista

Ayon kay Secretary Pascual, inaasahan rin na dahil sa pagbaba ng babayarang taripa para sa preserved pineapples, printed paper, dried tilapia, at iba pang produkto, lalakas ang export ng Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us