Gen. Santos Airport, tumanggap na ng kauna-unahang biyahe mula sa Clark International Airport

Facebook
Twitter
LinkedIn

Masayang iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagdating ng inaugural flight mula Clark International Airport sa Pampanga patungong General Santos Airport.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), matagumpay na nakalapag sa GenSan Airport ang aabot sa 132 pasaherong sakay ng Cebu Pacific flight 5J 1095.  

Habang nasa 136 na pasahero naman ang sakay ng flight 5J 1096 na mula naman GenSan Airport pabalik ng Clark sa Pampanga.

Kasunod nito, inihayag ng CAAP na tatlong beses kada linggo ang biyahe sa nasabing ruta tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.

Ang GenSan Airport ay Principal Class 1 airport na nagsisilbing gateway sa SOCCSKSARGEN Region.

Dahil dito, inaasahang mapalalago pa ang turismo dahil mapag-uugnay na SOCCSKSARGEN Region sa Central Luzon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us