Grupo ng nurses, nag-kilos protesta sa PGH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa ng maikling program ang isang grupo ng mga nurse sa labas ng Philippine General Hospital (PGH).

Ito’y upang ipanawagan ang dagdag sweldo upang masolusyunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.

Nabatid na ang ikinasang programa ay bahagi ng 3rd National Congress ng Filipino Nurse United (FNU) na sinimulan ngayong araw hanggang bukas, April 13, 2023.

Hiling ng nasabing grupo na itaas sa P50,000 ang salary ng mga nurse.

Paliwang nila, kaya karamihan sa kanilang hanay ay napipilitan magpunta at magtrabaho sa ibang bansa ay dahil sa liit ng sweldo na natatanggap ng mga nurse dito sa Pilipinas.

Panawagan pa ng grupo sa gobyerno, pabutihin sana ang kondisyon ng mga nurse upang mahikayat ang kanilang mga kasamahan na manatili sa sariling bansa.

Sa kasalukuyan, higit sa 100,000 nurses sa pribadong sektor ang sumasahod lamang daw ng P537 kada araw sa Metro Manila kung saan mas mababa pa ang ibang tinatanggap kapag nasa labas ng NCR.

Sa mga pampublikong ospital naman ay nasa P35,000 lamang ang ‘minimum salary’ na bagaman mas mataas ay matindi naman ang sakripisyo nila dahil sa dami ng trabaho at pasyenteng inaasikaso. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us