Patuloy na pinapalakas ng Government Service Insurance System (GSIS) ang asset portfolios nito para sa iba’t ibang investment sa loob at labas ng bansa.
Ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso, kabilang sa mga nais bigyan ng investment sa nickel mining at sa infrastructure.
Dagdag pa ni Veloso isa rin sa nais nilang maglagak ng pamumuhunan ay sa sektor ng power generation and utility, natural resources infrastructure, air transport, railroad at water treatment facilities, at waste management.
Kaugnay nito sa kabila ng naturang mga planong investments sa mga nabanggit na sektor ay muling siniguro ni Veloso na makakaasa ang publiko na pag-aaralan ng mabuti ng GSIS ang mga naturang investments upang mas magkaroong ng malaking epekto ito sa lahat ng mga miyembro nito sa pamamagitan ng paglago ng mga kontribusyon ng kanilang iniimpok na pera sa GSIS. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio