Hepe ng Malibay Police Station, inalis sa puwesto matapos matakasan ng 10 bilanggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalis na muna bilang hepe ng Malibay Police Station sa Pasay si PMaj. Jerry Vasques Sunga.

Ito ay matapos makatakas ang 10 bilanggo sa kanilang istasyon.

Ayon kay Pasay Chief of Police PCol. Froilan Uy, ang deputy na si PCpt. Mamerto Estacio Garne Jr. ang papalit sa ni-relieve na hepe ng Malibay Police Station.

Pinakiusapan naman ni Col. Uy na sumuko na ang mga tumakas lalo pa’t bailable ang kanilang kaso at mas delikado na nagtatago sila sa labas.

Alas-4:30 kaninang madaling araw nang tumakas ang mga nakakulong sa Malibay Police Station kung saan pwersahan nilang kinuha ang susi at baril at pinagtulungang saktan ang jailer. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us