Aabot sa dalawang kilo ng high-grade marijuana (kush) ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang controlled delivery operation sa Sta.Cruz Maynila.
Ayon kay PDEA Director General Amoro Vergilio Lazo, nagkakahalaga ang illegal drugs ng Php 3,923,700.
Ang parcel na isang malaking kahon ay nabawi ng PDEA agents sa consignee na si Jeric Herrera, taga-barangay 310, Sta. Cruz, Manila.
Sa ulat ng PDEA ,galing ang parcel sa Estados Unidos at dumating sa Port of Clark noong Abril 11, 2023.
Idineklara ang shipment bilang Tevana Green Herbal Tea pero nang dumaan sa x-ray at K-9 inspection nakita ang mga isiningit na illegal drugs.
Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga tauhan ng PDEA, Bureau of Customs at Manila Police District. | ulat ni Rey Ferrer