Higit P18.1-M na halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Timbog ang isang drug suspect sa buy-bust operation ng pulisya sa Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida, Hepe ng MPD-DDEU, ang suspect na si Yasser Hadji Noor.

Nasabat sa operasyon ang 1.2 kilogram ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php8.160 milyon.

Ayon kay Florida, ilang araw na nagsagawa ng surveillance ang kanilang mga operatiba at may mga impormante na nagbigay ng lead ukol sa suspect.

Nagpapalit-palit pa ng lugar ang kanilang target kung saan makikipagtransaksyon bago maikasa ang buy bust.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Bernard Jaudian

Photo: MPD-DDEU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us