Suportado ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera ang posisyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na huwag nang palawagin pa ang deadline ng SIM Registration.
Sa kabila ng panawagan ng telcos, publiko at maging ibang kasamahang mambabatas na i-extend ang SIM registration, naniniwala si Herrera na tama ang desisyon ng DICT.
Mas maoobliga kasi aniya ngayon ang publiko na magparehistro upang hindi ma deactivate ang kanilang mga numero.
Nakatakdang magtapos ang pagpaparehistro ng SIM cards sa April 26 bilang pagtalima sa SIM Registration Law.
Payo naman ng mambabatas sa mga hindi pa nakapagpaparehistro, na samantalahin ang long weekend para i-register ang kanilang mga numero.
“There is a long weekend coming up—from April 21 to 23 because of the Eidl Fitr holiday marking the end of Ramadan. Unregistered SIM subscribers should make time during the Ramadan holiday weekend to register their SIMs.” saad ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes