House Leader nanawagan kay Pangulong Jr., na i-certify as urgent ang Estate Tax Amnesty Bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si House Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto na dapat nang i-certify as urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Estate Tax Amnesty Bill.

Ayon kay Recto, bilyon pisong halaga ang kikitain ng gobyerno kapag inurong ang deadline ng pagbabayad ng tax amnesty sa June 14, 2025, na nakatakda sa June 14, 2023.

Diin ng mambabatas, isang sulat lamang mula sa punong ehekutibo ay maisasakatuparan na ang hangarin na bigyang pagkakataon ang mga kababayan nating bigong makapagbayad ng kanilang amilyar dahil sa pandemya.

Aniya, ang “extension” ay magsisislbing “act of kindness” ng pamahalaan sa seniors at vulnerable persons na bigong makapag avail ng amnestiya.

Isa pang justification ng panukalang extension ay ang mababang government collection sa naturang programa, at solusyon dito ang House Bill 7409 na inakda ni House Speaker Martin Romualdez. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us