House panel chair, suportado ang pagresolba ng DILG sa kaso ni dismissed PMSgt Rodolfo Mayo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers na suportado ng Kamara ang hakbang ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na tuluyang maresolba ang kinasangkutang kaso ni dismissed Police Master Sergeant Rodolfo Mayo.

Kasunod ito ng pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos na mayroong pagtatangkang cover up sa kaso ni Mayo.

Si Mayo ay hinuli sa kasong pagkakasangkot sa iligal na droga, matapos matuklasan sa isinagawang raid noong Oktubre 2022 ang higit isang toneladong shabu na nakaimbak sa opisina ng kanyang lending company.

Ani Barbers, may sariling imbestigasyon din ang kaniyang komite kung saan kinakitaan ng sapat na ebidensya na magdidiin kay Mayo at iba pang police scalawags.

Bagama’t wala aniya silang prosecutorial power ay isusumite nila sa mga otoridad at korte ang anomang ebidensya na makakalap sa imbestigasyon ng komite.

“We have unearthed evidence, testimonial and documentary as well as authentic CCTV footages that revealed the damning truth and the real story behind several incidents that were peddled by some scalawags. Indeed there is much truth of a massive attempt to exonerate Sgt. Mayo and other personalities involved in the raid and/or connected to him. Soon these pieces of evidence will unravel and reveal the real story.” — ani Barbers

Pinuri naman nito ang hakbang ni Abalos na linisin ang hanay ng pambansang pulisya.

Handa rin aniya ang kanilang komite na magsulong ng mga panukala upang matiyak na hindi na maulit pa ang insidente.

“I am happy that our DILG Secretary is firm in cleansing the ranks of our national police. We in the House of Representatives will always support him in every way possible to strengthen our law enforcement units in order to ensure the safety and protection of the people…as well as enact remedial legislations to ensure that the incident will not be repeated.” pagtitiyak ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us