Kabilang si House Speaker Martin Romualdez sa mga government official na nakakuha ng mataas na trust at performance rating sa March OCTA Research Survey.
Batay sa Tugon ng Masa survey, nakakuha ng 83% trust rating si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., 87% kay VP Sara Duterte, 55% kay Speaker Romualdez, 50% kay Senate President Migz Zubiri at 39% para kay Chief Justice Alexander Gesmundo.
Pagdating naman sa performance rating, nakakuha ang Pangulong Marcos Jr. ng 80%, 84% para kay VP Sara, 59% kay Romualdez, 53% kay Zubiri at 41% kay Gesmundo.
Sa kabila nito, sinabi ni Romualdez na hindi lang ito basta personal na achievement dahil katuwang niya sa pagta-trabaho sa Kamara ang mga kasamahang mambabatas.
“I would like to express my deepest gratitude to the Filipino people for their continued support and trust in my leadership. This is not just a personal achievement but also a tacit recognition of the tireless efforts of the entire House and the dedication of my fellow lawmakers to pass laws and policies that benefit our country and our people,” saad ng House Speaker.
Dahil naman sa suporta ng publiko ay mas lalo aniyang pagbubutihin pa ng House of Representatives ang pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pag-pasa mga kapaki-pakinabang na batas at magsusulong ng 8 point socio economic agenda ng Marcos Jr. administration.
“I would like to assure the public that under my leadership, we will redouble our efforts to prioritize the needs and concerns of the Filipino people. We will press on for the timely passage of laws for progress and development and those meant to address the serious challenges that our nation face,” dagdag ng Leyte representative. | ulat ni Kathleen Jean Forbes