Sinimulan na ni House Speaker Martin Romualdez ang paghahanda para sa historic visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos.
Sa darating na April 30 ay nakatakdang lumipad pa-US si PBBM kung saan bahagi ang pakikipagpulong kay US President Joe Biden.
Nauna nang lumipad ang House leader sa US dalawang linggo na ang nakakaraan kasama ang economic team ng administrasyon para sa kanilang serye ng economic briefings para makahimok ng mga mamumuhunan.
Inilatag na rin ni Romualdez ang posisyon ng Pilipinas sa mga US lawmaker pagdating sa defense at security cooperation gayundin ang economic partnership ng dalawang bansa.
Para sa mambabatas, naniniwala siyang ito ang tamang panahon para sa pagkikita ni Biden at Pangulong Marcos Jr.
Umaasa rin siya na magiging produktibo ang magiging pagbisita ng pangulo sa US.
“I think the conditions are right for the meeting between President Bongbong Marcos and President Joe Biden. We have high hopes for the exchange of ideas between the two leaders and its outcome,” saad ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes