Tutulungan ng Hungarian government ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa disaster response operations nito at sa pagbuo ng mga certificate program.
Ipinangako ito ni Hungarian Ambassador to the Philippines Dr. Titanilla Tóth, na nagsagawa ng courtesy visit kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Central Office sa Quezon City.
Sa kanilang maikling pagpupulong, tinalakay ng kalihim at ng Ambassador ang mga posibleng paraan upang higit pang mapalakas ang paghahatid ng mga social protection program sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.
Binigyan din ng kalihim ng update ang Ambassador sa mga nagaganap na relief operations sa oil spill sa Mindoro Oriental.
Sinabi ni Gatchalian na kailangan ang augmentation assistance upang patuloy na matulungan ang mga biktima na ma-access ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng maiinom na tubig.
Tinalakay din nito ang patuloy na paghahanda para buhayin ang Social Welfare and Development Center for Asia and the Pacific nito bilang learning center para isulong at i-upgrade ang social work practice at propesyon sa Pilipinas. | ulat ni Rey Ferrer
?DSWD