Ilan pang fixer sa LTO, bistado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinaalalahanan ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko na huwag nang tangkilikin ang mga fixer kung may transaksyon sa ahensya.

Kasunod ito ng pagkaka-aresto sa ilang mga umano’y fixer sa magkahiwalay na insidente sa Iloilo at Bicol.

Katuwang ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Iloilo, nahuli ng LTO Region 6 ang isang suspek na umano’y opisyal ng barangay at sangkot sa pagbebenta ng pekeng driver’s license sa mga residente at tauhan ng barangay sa halagang P5,650.

Sinampahan na ito ng Iloilo Provincial Prosecutor’s Office ng kasong paglabag sa Republic Act 11032 o ang “Ease of Doing Business Law” at ang ilang bilang ng falsification of public documents alinsunod sa Revised Penal Code at Usurpation of Authority, gayundin ang kaniyang kasabwat na umano’y nagtatrabaho sa LTO Central Office sa Quezon City.

Sa Bicol naman, nahuli ng joint team ng LTO Region 5 at Albay Provincial Field Unit (PFU) at Oas MPS ang suspek na nagpanggap na empleyado ng LTO at nagtangkang mangikil ng P7,500 sa complainant kapalit ng agarang pagproseso ng driver’s license application.

Nakapiit na ngayon ang suspek sa Criminal Investigation and Detection Group-Albay PFU at nahaharap sa kasong estafa dahil sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code.

Pinuri naman ni LTO Chief Tugade ang agarang aksyon ng mga opisyal ng LTO regional offices at ang PNP sa matagumpay na pagdakip sa mga suspek. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us