Ilang baybayin sa bansa, apektado pa rin ng red tide

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa ring pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa apat na baybayin na positibo pa rin sa red tide toxin.

Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang mga karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur

Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay hindi pa rin ligtas kainin ang mga shellfish na mahahango sa mga naturang katubigan.

Sa kabila nito, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us