Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista hinggil sa isasagawang road repair and reblocking sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Batay sa abiso ng MMDA, magsasagawa ng pagkukumpuni ang Department of Public Works and Highways (DPWH) simula alas-11 ng gabi ngayong Biyernes, April 14, na tatagal hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, April 17.
Kabilang sa isasailalim sa pagkukumpuni ang ilang bahagi ng C-5 partikular na ang truck lane sa tapat ng SM Pasig patungong Caparas Street, gayundin ang tapat ng UP Henry Sy Building, ika-4 na lane mula sa bangketa.
Gayundin ang ilang bahagi ng EDSA Kalayaan partikular sa East Bound ng Fort Bonifacio Flyover sa Makati City mula Pier 31 hanggang Pier 42 patungong C5.
Ilang bahagi ng EDSA Makati City malapit sa Buendia Station – North Bound gayundin ang EDSA South Bound partikular na ang ika-4 na lane mula sa bike lane sa may SM North Annex patungong Bulacan Street.
EDSA South Bound Cloverleaf Interchange patungong Balintawak LRT sa Quezon City, gayundin ang pagitan ng Sgt. Mariano at Aurora Boulevard North Bound sa Pasay City.
Gayundin ang mga sumusunod:
North Bound ng Luzon Ave., Quezon City, mula Luzon Flyover patungong Congressional Avenue Extension (Inner lane/1st lane mula sa plant box).
South Bound ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, panulukan ng Riverside hanggang sa paglagpas ng San Simon street (2nd lane at 3rd lane mula sa gitna).
South Bound ng Commonwealth Avenue mula Laura Street patungong Intramuros Village (2nd lane mula sa gitna).
North Bound ng E. Rodriguez Jr. Avenue mula sa panulukan ng L. Pasco Street, hanggang sa kanto ng Bonny Serrano Extension Road (Asphalt Overlay).
East Bound ng Aurora Blvd. bago dumating sa Gilmore Avenue (1st lane mula sa Center Island).
South Bound ng Ortigas Granada Road sa Quezon City patungong Bonny Serrano (3rd lane mula sa sidewalk).
Gayundin ang South Bound lane ng A. Bonifacio Avenue kanto ng Sgt. Rivera sa Quezon City (1st lane mula sa sidewalk).
Dahil dito, inaabisuhan ang mga maapektuhang motorista na planuhing maigi ang kanilang biyahe at maghanap ng alternatibong ruta upang hindi maabala. | ulat ni Jaymark Dagala