Ilang pantalan sa Bicol, suspendido na ang operasyon dahil sa bagyong Amang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang suspendido ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Bicol dahil sa Tropical Storm Amang.

Sa inilabas na abiso ng Philippine Ports Authority (PPA), wala ng biyahe mula kaninang alas-5 ng umaga ang rutang Port of San Andres, Catanduanes patungong Port of Tabaco, Albay.

Inaabisuhan ng PPA ang mga apektadong pasahero na manatiling ligtas at makipag-ugnayan sa concern shipping lines para sa karagdagang detalye.

Ang bagyong Amang ay nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility kaninang umaga, at kauna-unahang bagyo sa taong ito. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us