Ilang pantalan sa Bicol, suspendido na ang operasyon dahil sa bagyong Amang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang suspendido ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Bicol dahil sa Tropical Depression Amang.

Sa inilabas na abiso ng Philippine Ports Authority (PPA), wala nang biyahe mula kaninang alas-5 ng umaga ang rutang Port of San Andres, Catanduanes patungong Port of Tabaco, Albay.

Wala na ring biyahe ang mga sumusunod pang pantalan:

*Base Port Legazpi (Albay)
*Port of Tabaco (Albay)
*Port of Pio Duran (Albay)
*Port of Pasacao (Camarines Sur)
*Port of Virac (Catanduanes)
*Port of San Andres (Catanduanes)
*Port of Bulan (Sorsogon)
*Port of Matnog (Sorsogon)

Inaabisuhan ng PPA ang mga apektadong pasahero na manatiling ligtas, at makipag-ugnayan sa concern shipping lines para sa karagdagang detalye.

Ang bagyong Amang ay nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility kaninang umaga at kauna-unahang bagyo sa taong ito. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us