Illegal recruiters, arestado sa Lungsod ng Pasay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto na ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Anti Human Trafficking Division ang dalawang illegal recruiter sa Pasay City.

Dinakip sina Herlyn Gatchalian na kilala din sa alyas ‘Marielyn Lazatin Aceveda’ at ‘Jharrel Gatchalian’ at isang Maricel Gorospe Calipdan sa isang entrapment operation .

Inireklamo sila ng mga complainants na pinangakuan na makapagtrabaho sa ibang bansa tulad ng Japan.

Base sa berepikasyon na ginawa ng NBI sa Department of Migrant Workers, napatunayang hindi lisensiyado at hindi otorisadong mag-recruit ng workers ang dalawang suspect para sa overseas employment.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 at Estafa .

Samantala, arestado din sa Pasay City ang Chinese national na si PAN JING dahil sa kasong human trafficking kasabay ng pag-rescue sa anim niyang biktima. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us