Naglabas ang lokal na pamahalaan ng Iloilo ng isang Executive Order na naglalayong magkaroon ng Philippine – Austraila Friendship Day sa Lungsod ng Iloilo.
Sa inilabas na Executiver Order 46 ng iloilo City Government, ang padedeklara sa May 22 na Philippine – Austrialia Friendship Day sa lungsod ay bilang pagkilala sa pagkakaroon ng maayos na diplomatikong pakikipagkaibigan ng dalawang bansa.
Hangad ni Iloilo City Mayor Trenas na mas mapalalim pa ang pakikipag ugnayan ng dalawang bansa sa mga susunod pang mga taon. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio