Sumulat na sa Division of City Schools ng Quezon City ang principal ng San Francisco High School at humihiling na suspendihin pansamantala ang in-person classes sa paaralan.
Ito ay sa gitna ng tumitinding init ng panahon na nararanasan dulot ng paparating na El Niño Phenomenon.
Hiniling ni Floreto Gereña, Principal ng paaralan kay Carleen Sedilla, School Division Superintendent na ipatupad muna ang blended learning modalities.
Aniya, ang face to face classes ay gagawin na lang tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes mula Grade 7 hanggang Grade 12.
Habang tuwing Martes at Huwebes naman ang online classes.
Batay sa impormasyon ng PAGASA, mula Marso hanggang Mayo ngayong taon mararamdaman pa ang napakainit na panahon na posibleng aabot sa 50 Degrees Celsius o higit pa.
Sabi pa ng principal, na magdudulot lamang aniya ito ng pananakit ng ulo, pagkapagod sa init, at heat stroke.
Ang sitwasyon ngayon ay nakakaapekto sa kalusugan ng mga mag-aaral at mga tao sa paaralan. | ulat ni Rey Ferrer